Hindi hadlang ang pagiging muchacha para makamtan ang pangarap na minimithi sa buhay. Katuwang ang mababait na sina "ser" at "mam". Lahat tayo mga muchacha at muchacho aminin man natin o hindi.

Home » Post Item » pinoy war veterans

pinoy war veterans

March 1, 2009

nalala ko yung lolo ko, araw-araw bumibili sya ng dyaryo at nanonood ng tv para makibalita tungkol sa allowance and benefits nilang ww2 veterans. karamihan sa mga naghihintay nito puro 6ft below the ground na! Kasama na si tatay dun. Kawawaa naman talaga. At ngayon na lumabas na ang batas tungkol sa pagbibigay ng allowances nila, asan na yung mga kukuha nito? delaying tactics ba ito ng america o pinas para mas kaunti na lang ang makakakuha nito? kung tutuusin kung buhay pa ang mga lolo at lola nating makakakuha nito, malamang pang gamot na lang nila ito mapupunta…haaayzzzz kita nanaman gobyerno at mga pharma company natin! 

si tatay (tawag ko sa lolo ko) lagi nyang sinasabi, “sa pensyon ko mag ipon kayo miski 100 kada buwan pang bili nyo ng barong ko pagnamatay ako”. Wawa naman. 

Posted by muchacha at 2:17 pm | permalink

Comments are closed.